Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2015

EDSA noon at ngayon

Rally dito, Rally doon, People Power dito, People Power doon. Hindi pa ba napapagod ang Pinoy at ang mga namumuno sa gobyerno? Pinalitan nga ang mga pinuno ngunit hindi parin nagbabago ang buhay sa Pilipinas. Datirati ang sinisigaw ni Juan dela Cruz ay: "Erap Resign!", "Gloria Resign!", tapos ngayon, “Pnoy Resign!”. Kung titignan nga naman ang kasaysayan, nung bumaba ang dating pangulong Estrada, hindi naman sinabi ng mga Pilipino na si GMA na ang ihalal bilang ika-14 na pangulo ng bansa. Saan napunta ang democracy? Aba'y pagkababa plang nung isa, nanumpa naman kagad ung isa. San napunta ang kapangyarihan ng mga mamamayan para maghalal ng mamumuno? Sa parte naman ng ating mga pinuno, bakit pa natin sila iboboto kung sa pagtagal din ay pabababain din naman? Dapat maging mas responsable tayong mga mamamayan. Maghalal ng pinuno na matino at pag nahalal naman ay ating suportahan. Ang nangyayari sa kasalukuyan kasi ay pagkaboto ng isang pinuno ay hahatakin naman ...