Ipinapakita sa mga nagdaang mga patalastas sa TV ni Gloria ay “legacy” daw- and ipamana niyang pangmatagalan sa sambayanang Pilipino. Ang mga proposal ng kanyang mga alagad na dagdag raw sa sahod, ibaba raw ang kuryente, libreng text at kung ano-ano pang pakulo na sa isip niya ay makamasa. Akala naman niya naloloko niya ang taumbayan. Pamana ni Gloria sa bayan – The Negative side Pamana ni Gloria sa bayan – English Version Pamana ni Gloria sa bayan – The Positive side Ang nais talaga niyang palabasin ay bababa na siya sa 2010 at hindi na niya ipagpipilit ang charter change. Gusto raw nila maala-ala siya ng taumbayan sa mga magandang bagay. Madaming beses na siyang nagsinungaling, walang naniniwala kahit ilang beses pa niyang sabihin na bababa siya sa Malacañang sa 2010. Paano naman kasi makalimutan ang sinabi niya sa harap ng munomento ni Jose Rizal noong December 2002 na hindi siya tatakbo sa pagkapresidente sa 2004. Siyempre maraming pumuri sa deisyon niya at hindi na siya basta bina...