Ang mga proposal ng kanyang mga alagad na dagdag raw sa sahod, ibaba raw ang kuryente, libreng text at kung ano-ano pang pakulo na sa isip niya ay makamasa. Akala naman niya naloloko niya ang taumbayan.
Ang nais talaga niyang palabasin ay bababa na siya sa 2010 at hindi na niya ipagpipilit ang charter change. Gusto raw nila maala-ala siya ng taumbayan sa mga magandang bagay.
Madaming beses na siyang nagsinungaling, walang naniniwala kahit ilang beses pa niyang sabihin na bababa siya sa Malacañang sa 2010. Paano naman kasi makalimutan ang sinabi niya sa harap ng munomento ni Jose Rizal noong December 2002 na hindi siya tatakbo sa pagkapresidente sa 2004. Siyempre maraming pumuri sa deisyon niya at hindi na siya basta binatikos. Yung iba naman katulad ni Raul Roco, naghanda para sa kampanya sa 2004. Di tinira ni Arroyo.
Ngunit Ilang buwan ang nakalipas inihayag na niyang tatakbo siya sa pagkapresidente.
Naniniwala ba kayong kung pwede siyang makalusot, hindi talaga bababa si Arroyo sa pwesto. Ang takot lang niya sa mga kasong isasampa sa kanya sa daming kasalanang na ginawa niya sa bayan. Kunyari lang yan na tanggap na niyang hanggang 2010 para hindi na siya babatikusin para hayaan na lang siya hanggang 2010 daw.
Bahagi na siya ng kasaysayan na isang sinungaling, mandaraya, at magnanakaw. Ngunit ang malaking kasalanan ni Arroyo sa bayan ay ang pagsira ng mga institutusyon ng demokrasya na maraming taon binuo ng ating mga ninuno.
Katulad ng military na dapat ay taga-pagtanggol ng taumbayan na ginawa niyang operator niya sa pandaraya ng eleksyon. Hindi ito nangyari kailanman, kahit noong panahon ni Marcos.
Sinira rin niya ang Commission on Election. Sa demokrasya, pinipili ng taumbayan ang gusto nilang mamuno sa kanila sa pamamagitan nge eleksyon. Binastos ni Arroyo yun sa pamamagitan ng pandaraya katulong ang mga opisyal mismo ng Comelec.
Ang laki ng damage na nagawa ni Gloria sa bayan at hindi yan matatakpan pag-alis o pagbawas ng bayad sa text o pagtaas raw ng sahod ng P20 isang araw na wala namang nangyari sa itinaas ng bilihin.
SUGGESTED READINGS
- Apagmaragul mu bang Kapampangan ka?
- Bakit ganito sa Pilipinas?
- Combating Corruption in the Philippines
- Congressman Manny Pacquiao
- EDSA - Ang huling habilin
- Gusto kong maging Senador ng Pilipinas
- Hinanakit ng sang ordinaryong office worker na ayaw nang magbayad ng tax…ever!
- Kapampangan Kontra Recount
- Manny Pacquiao for President
- Prostitution in Angeles City
- Treseng Hudas, mga balimbing sa Pilipinas!
the girl in the plate is so hot and sexy.
ReplyDelete