*Si Juan ay matatanggap na sana sa bago nyang trabaho bilang Janitor*
Manager: Congratulations Juan! tanggap ka na bilang janitor dito sa XYZ COMPANY, prepare mo na lahat ng gamit mo, mga papers na kaylangan, pati pahingi ng email address mo.
Juan: Sir, lahat po ng papers meron na po ako pinagawa ko sa asawa ko, kaso Sir, pasensya na po wala akong email address.
Hindi ko po kasi alam kung paano mag computer at internet, high school graduate lang po kasi ako.
Manager: Ha?? wala kang email?!!! makabago na ang panahon ngayon!
Eh kung wala kang email at hindi ka marunong mag-computer. HINDI NA KITA TATANGGAPIN BILANG JANITOR!
Juan: Sir? hindi na ako tanggap dahil sa email??
maawa na po kayo wala ng makain ang pamilya ko.. (umiiyak)
Manager: OO!! sa iba ka na lang mag apply Juan dela Cruz!! (tinapon sa basurahan ang application form ni Juan)
*Walang magawa si Juan, wala na siyang kapera pera, yung huling pera nya pinanggastos niya para sa application form.
(isip siya ng isip sa kanyang asawa at dalawang anak)
Juan: Pano na pamilya ko...... (umiiyak...)
*habang naglalakad si Juan may napulot siyang 100 pesos*
Juan: (nagdasal) Lord salamat sa 100 pesos pero pano ko po ito pagkasyahin, kulang pa po ito panggatas ng bunso ko.. (umiiyak)
*habang naglalakad pauwi si Juan may nakita siyang mansanas "SALE 10PESOS nalang, sa kabilang bayan 30pesos"*
Juan: (napaisip si Juan) Isasakripisyo ko tong 100 pesos na huli kong pera, isusugal ko.. (habang iniisip ang pamilya)
*bumili ng mansanas 10, nilakad ang kabilang bayan at binenta ng 30pesos, tumubo ng 200*
*napangiti si Juan*
Juan: Salamat Lord! (SMILING
(iniisip pamilya nya at naging inspirasyon niya)
THANK YOU LORD!
*AT NAGSIMULANG NANGARAP SI JUAN*
*nilakad ulit yung tindahan kung san sya bumili ng mansanas, bumalik sa kabilang bayan at binenta, lumalaki na ang kita ni Juan*
*Araw-Araw nya yun ginawa, at hindi niya namamalayan nagiging NEGOSYANTE na siya!
Hanggang sa nagkaron na ng pwesto, nagkaron ng truck pagkalipas ng isang taon*
*Hindi nya na malayan na 5years na niya itong ginagawa at SOBRANG LAKI NA NG NEGOSYO NYA, nakabili na sya ng malaking bahay, madaming kotse, at nagkaron na ng KOMPANYA ng distribution ng mga PRUTAS*
*Isang araw si Juan bumisita sa COMPANY niya, nilapitan siya ng empleyado niya*
Empleyado: Sir, meron po nagaaply bilang manager ng COMPANY natin.
Juan: Ok papasukin mo sa opisina ko.
Nag-aapply: Sir, magandang umaga po mag-aapply po sana ako bilang MANAGER.
Nanggaling po ako sa isang malaking COMPANY.
Sa "XYZ COMPANY" po Sir..
Juan: Ah..! XYZ COMPANY?
Yun ba yung hindi tumtanggap ng applicant na walang email?
(habang naka-ngiti)
Nag-aapply: Yes Sir, ako po ang MANAGER nun, ganun talaga ako magpatakbo.
Sa sobrang dami kong alam at dahil graduate ako, hindi po talaga ako tumatanngap ng walang email, kahit janitor pa.. (nakangiti)
4 years din po ako dun sir.. (pahabol pa niya)
Juan: Ahhhhhh.. Naalala mo pa ba yung Janitor na nag mamakaawa sayo kasi wala ng makain ang pamilya niya?
Na nag-aapply para maging janitor? eh kaso walang email, kaya hindi mo tinanggap??
Nag-aaply: OO NAMAN SIR! SI JUAN DELA CRUZ yun.. Ewan ko ba kung saan na yun nagtatrabaho bilang janitor?
Bakit nyo po pala natanong Sir??
Juan: Ok may email ka naman diba?
Nag-aapply: Opo sir, SIYEMPRE
Juan: Pasensiya na, hindi ka tanggap.
Nagaapply: Ha??! Sir, bakit po? Ang dami naman ng experience ko..
Juan: Sa iba ka nalang mag-apply.
Nag-aapply: ... (nalungkot at umiiyak)
Sir? Wala po kasi akong naipon bilang empleyado,mhuling baraha ko na po ito..
Juan: Ahhhh ok lang yan, MAY EMAIL KA NAMAN at maraming tatanggap sayo..
Nga pala.., SALAMAT SA LAHAT..
Nag-aaply: Sir, bakit po kayo nagpapa salamat???
Juan: Alam mo ba itong Kumpanya na ina-applyan mo?
Nag-aaply: Opo Sir, JDC INTERNATIONAL DISTRIBUTION...
Juan: YUP TAMA! JDC.. " JUAN DELA CRUZ INTERNATIONAL DISTRIBUTION"
Nga pala, AKO SI JUAN DELA CRUZ.
YUNG DATING JANITOR..
NAALALA MO YUNG WALANG EMAIL??
LESSON: Si Lord laging naka-tingin yan mula sa taas.
Nakikita nya lahat ng ginagawa mo at ang totoong motibo mo..
Ibibigay nya yan, lalo na kapag NANINDIGAN KA AT PINAGLALABAN MO ANG MGA PANGARAP MO PATI NA ANG PAMILYA MO..
Hindi porket wala kang pinag aralan, walang tinapos, highschool graduate o kahit janitor ka pa, eh wala ka ng pag-asa umasenso..
KAHIT WALA KA PANG EMAIL, BASTA IMPORTANTE MAY PANGARAP KA!
HUWAG MONG HAYAAN NA MAWALA YAN NANG DAHIL LANG SA MGA TAONG MINAMALIIT KA!