Sa parte naman ng ating mga pinuno, bakit pa natin sila iboboto kung sa pagtagal din ay pabababain din naman? Dapat maging mas responsable tayong mga mamamayan. Maghalal ng pinuno na matino at pag nahalal naman ay ating suportahan. Ang nangyayari sa kasalukuyan kasi ay pagkaboto ng isang pinuno ay hahatakin naman pababa. Bakit ganito? Kasi kung kelan na nasa posisyon ang isang tao, dun pa lang lumalabas ang baho niya. Nung naging presidente si Erap, dun inilabas lahat ng mga paninira sa kanya. Pati narin kay GMA kc nung bise-presidente plang siya, tahimik ang mga tao eh nung naupo na siya, naglabasan na lahat ng paninira.
Hindi ko masisisi ang mga taong naglalabas ng mga issue na laban sa kanila dahil napakasakim naman ng kanilang ginagawa. Hindi lang si GMA ang dapat mag"Moderate ng Greed" kailangang pati na ang lahat ng mga politiko. Dahil kung Heavy, Moderate and Light ang pagiging Greedy, hindi ba ganun din? Nagnanakaw parin sila ng pera ng bayan. Hindi lang dapat daang libong paggagastos ng mga politiko ang dapat inspeksiyonin pero dapat singko pa lang ay magdalawang isip na tayo.
"Oras nang mag-isip-isip"
May pagkakaisa ba? Mag-isip-isip tayong lahat. Dumaan na ang Martial Law, EDSA 1 and 2, ganito parin ang Pinas. Hindi lang ang mga pinuno ang may sala sa pagbaba ng estado ng buhay ng masang Pinoy kundi pati narin ang ating mga sarili. Sana'y hangarin nating gumawa ng pagbabago sa bansa. Oras na para buksan ang mga mata ni Juan dela Cruz at bumangon ang Lupang Hinirang.
Kung iisipin natin, ano nga ba ang nangyari? Sabit si Erap sa Juetenggate. Sabit din sa kung ano-anong eskandalo sila Cory at Ramos sa panahon nila. Pero bakit kaso lang ni Erap ang sineryoso natin? Kasi ayaw natin sya, at ito ang pagkakataon para sipain sya sa palasyo. Nang maghirap ang ekonomiya nitong dalawang taon, ang balita ng business sector e dala lang daw ito ng crisis sa Asian region, ngayon retrospective biglang naging dahil kay Erap ang lahat. Tapos si GMA naman kinasuhan nga mga bagong upo! Ano yon, niloko nila tayo dati o niloloko nila tayo ngayon?
Aminin na natin: si Cory hinayaan nating kumanta, si Erap inagawan natin ng microphone, pinatayan natin ng amplifier, at nagtakip tayo ng tenga. Hindi natin binigyan si Erap ng respeto na akma sa presidente. Kaya natawa ako sa mga lokal na dyaryo nung na-saktan sila para kay Erap dahil sa article sa Time magazine. Aminin na natin, tayo ang nagsabi sa mundo na bobo ang presidente natin.
Di ko maalala kung mismong Indiana Jones nga yung napanood ko dati. Sa isang eksena e nasa higanteng palayok yung dalawang bida. Nilalaga sila ng mga cannibals. Para makaligtas, pinagsisipa ng mga bida yung palayok para tumaob at makatakas sila. Kaso palpak, mahina yung impact nila. Natatapon lang yung tubig ng palayok (yung sabaw!) At lalong napapabilis ang pagkulo nito.
Ganyan ang ginagawa natin ngayon. Sa mga work stoppage at rally na nangyayari at sa mga paninira kay Erap, lalong bumabagsak ang Pilipinas. Natural, lalong nababansot ang piso. Sino ngayon ang sisisihin natin? Si Erap. Rally na naman tayo. Bagsak na naman ang piso. Sino may kasalanan? Si Erap. Rally na naman tayo.... Sipa nang sipa sa palayok ang mga maling paa sa maling paraan. Napapabilis ang pagkulo ng tubig.
Muling gugunitain nanaman ang EDSA revolution. Ang nakalulungkot, ‘yung mga nagpasimuno nito, sila ngayon ang nasasangkot sa katiwalian ng Disbursement Acceleration Program at Priority Development Assistance Fund. Kung aanalisahin, isyung pulitikal ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pag-aalsa. Pero kung ihahambing ang noon at ngayon, mas naging masahol pa ang sitwasyon ng gobyerno ngayon.
Makikita mo rin na bias ang mga tao at media. Nang tumaas ang halaga ng piso, na-magic lang ito ng SSS et al, dahil dito kaya natin ngayon kinukundina ang administrasyon. Pero ngayon si VP Binay naman ang tinitira ng naka-upo sa pwesto, bakit, dahil sya ang pinaka-malakas na contender at hindi nila kalyado, anong dahilan, dahil ayaw nilang maiba ang leadership, natatakot sa ginawa nilang multo sa pinalitan nila sa pwesto!. Ngayon Mamasapano Issue, sakay dito, sakay doon, walang sawang imbestigasyon, wala naming pinupuntahan kundi Popularity at exposure lamang ang hangad nila!
Sa nangyaring revolution 29 taon na ang nakararaan, dapat natuto na tayo sa mga problema noon at ngayon upang maisakatuparan ang totoong diwa ng pagbabago.
“Mga aral ‘yun sa ating kasundaluhan at sa tingin ko naman ay nagsawa na tayo sa kaka-coup d’etat.
Wala nang mangyayaring ganu’n siguro,” sabi Honasan.
Kainis! Tumataas presyon ko sa inyo ah!
0 comments:
Post a Comment